Lunes, Pebrero 20, 2017
Opm Song
www.metrolyrics.com/hawak-kamay-lyrics-yeng-constantino.html
"Hawak Kamay"
by: Yeng Constantino
-Gusto ko ang kantang to dahil ito ay para sa magkaibigan na may pangarap
sa buhay na kahit anumang landas ang kanilang matahak ay hindi sila bibitaw.
Sila'y magkahawak ng kamay sa mundong kanilang tatahakin ano man ang
mangyari silay magtutulongan.Dahil minsan dumadating sa atin ang maraming
promblema at minsan masasabi nalang natin sa sarili natin na di na natin kaya pero sa
bandang huli tayoy lumalaban para malagpasan ang mga ito .
-Sinabi din sa kanta na wag mong isipin na nag-iisa ka ,tumingin ka lang
sa langit at nandiyan ang ating panginoon,nandiyan ang kaibigan mo na
hahawak sa iyong kamay at dalawa kayong maglalakbay sa mundong ito.at lagi
mong iisipin na may karamay ka,hindi ka nag-iisa .
Linggo, Pebrero 12, 2017
Mga salitang Filipino na hindi karaniwang ginagamit
1.Kalog na ang baba- nilalamig
Hal. Si May ay kalog na ang baba dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan
2.Bahag ang buntot - duwag
Hal.Bahag ang kanyang buntot na dumaan dahil sa malaking aso
3.Ikuros sa noo -tandaan
Hal.Ikuros sa noo na ang buhay ay dapat nating mahalin at alagaan.
4.Kapilas ng buhay- asawa
hal.ang kanyang kapilas sa buhay ay masipag
5.Nagbibilang ng poste- walang trabaho
hal.Nagbibilang ng poste ang kanyang kuya dahil di siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral
6.Taingang kawali- nagbibingi-bingihan
Hal.Si tang ay taingang kawali ng pinagsasabihan siya ng pangaral ng kanyang magulang.
7.Alimuom- tsismis
Hal.Ang alimuom na iyon ay hindi totoo
8.Bukas ang palad- matulungin
Hal.Ang batang iyan ay bukas ang palad
9.Buwayang lubog- taksil sa kapwa
hal.Isa siyang buwayang loob
10.Butas ang palad- walang pera
hal.Maraming mamamayan ang butas ang palad ngayon dahil sa crisis na dumating
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)