Christy Malagenio
Miyerkules, Marso 22, 2017
What have I learned from Empowerment Technology 11
I have learned from Empowerment Technology are how to create a simple powerpoint,what is the important of the computer now/new generation .and how to do a blog and embed to it and others Learning Empowerment Technology is one of my challenges,this give me a lot of knowledge that can I use as a millennials nowadays.Im so happy that now were learned it.
Lunes, Marso 20, 2017
"Epekto ng maagang Pagbubuntis sa morang Edad"
Sa edad na labing dalawa hanggang labing siyam (12-19) ay mayroon nang nabubuntis,malaking epekto ito na pagbabago ng kanyang buhay kagaya nalang ng hindi na makapagtapos ng pag aaral.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ibabahagi ang masamang maidudulot ng maagang pagbubuntis sa morang edad.Ito ay maaaring magdulot ng pagkasira ng iyong kinabukasan at buhay.Kaya bago ka makipagtalik, isipin makipagtalik isipin mo muna kung ano ang maaaring maidulot nito sa iyong pamilya at sa iyong pag aaral
Sa buhay natin minsan,maiisip natin ang ating pagkakamali kung saan nasa huli na ang lahat,Sabi nga ang pagsisisi ay laging nasa hulihan .
Nasira ang iyong pag-aaral ,pangarap na makapagtapos at maaari din na masira ang magandang relasyonmo mo sa iyong magulang dahil nabuntis ka na wala sa tamang edad.Bakit nga ba ? Ano ba ang naging dahilan bakit may nabubuntis ng maaga sa morang edad ?
Sa aking sorbey may tanong dun na bakit nabubuntis ang mga kabataan sa edad na labing dalawa pataas ? Ang mga pagpipilian ay una, dahil kulang ng gabay at pangaral ang iyong magulang pangalawa ,dahil sa hirap ng buhay pangatlo ,dahil sa hirap ng buhay pang-apat,dahil sa pagboboy-friend ng maaga.45% (fourty five percent) ang sumagot na dahil sa maagang pagboboy-friend ng maaga ,ito yung percentage na pinakamataas.Dahil sa maagang pagboboy-friend ng mga kababaihan sa edad na 12-pataas maaari ito ang isa sa mga dahilan,at batay din sa aking obserbasyon ito ay tama.
Isa rin sa magiging epekto ng maagang pagbubuntis ay ang magkakaroon ng anak sa edad na 12-pataas,pag ikaw ay nagkaroon ng anak sa morang edad, na walang ama.Ano na lamang ang magiging kinabukasan niya?kahit siguro pambili ng gatas niya wala kang pambili at san ka kukuha ng kakainin niyo sa araw-araw kung may anak kana ? hindi ka naman maaaring magtrabaho dahil sinong mag-aalaga sa iyong anak lalot itoy sanggol pa lamang na dapat alagaan at gawin ang responsibilidad mo bilang Ina.Hindi kanaman pweding umasa sa iyong magulang.Mahiya ka naman sa naging resulta ng iyong ginawa.
Paano ba maiiwasan ang maagang pagbubuntis ?
Maraming salik ang kaakibat sa bagay na ito.Ang maagang pagbubuntis ay isang seryosong bagay kaya kailangang malaman ang mga dapat gawin ng bawat isa bago paman ito mangyari .
Magulang- Ang magulang ng mga kabataan ay laging nandiyan upang gumabay sa kanilang mga anak.Maraming anak ngayon ang napapabayaan ng mga magulang kaya sila ay naghahanap na lamang ng karamay sa kanilang mga kaibigan. Mapanganip ito lalo na at hindi sila nabigyan ng matinong mga payo na ikakabuti nila .Bago maging problema ng pamilya ang maagang pagbubuntis tulungan silang maiwasan.
Kaibigan- Mahalagang salik din ang pagkakaroon ng matitinong kaibigan.Kapag ang iyong kaibigan ay hindi makapagbibigay ng magandang impluwensiya sa iyo,mas tataas ang tsansa na malulugmok ka sa malaking problema. Bilang mabuting kaibigan,payuhan mo ang iyong kaibigan na huwag magpadalos-dalos sa pgdedesisyon.
Lalaki- Bilang lalaki kailangan mong matutunan ang salitang respeto kung mahal mo talaga ang isang babae,matutunan mong ,maghintay hanggang sa maging mag-asawa na kayo.Huwag magtake-avantage sa mga sitwasyon na maaari mong magawa ang isang bagay na pagsisihan mo lang .
Babae- Bilang babae kailangan mong respetuhin ang iyong sarili at ipakita mong ikawc ay karespe-respeto.Wag magpakita ng motibo sa lalaki upang upang hindi ka madala sa kapahamakan.Ang isang bagay na nasa iyo ay huwag na huwag mong ibibigay ng basta na lamang.
Walang maidudulot na maganda kapag nabuntis ka sa morang edad ,kaya bago mo gawin ang isang bagay kailangan ng pagpla-plano isipin mong mabuti kung ano ang maaaring kalalabasan, kung ano ang maaaring masira sa iyong buhay at kinabuksan.
Lahat ng bagay may tamang panahon wag kang magmadali ,kung marunong kang maghintay ,darating din ang bagay na ito, ang oras at panahon na handa kana lalong lalo na ang magkaroon ng anak.
Sangggunian:
http://pagbubuntis.com/maagang-pagbubuntis/
Mga Katanungan:
1.Ano ang mas ginagamit upang maiwasan ang pagbubuntis?
a.condum b.phills c.planning d.caledar method
2.Ilang beses kang nakikipagtalik sa isang araw?
a.2 b.3 c.4 d.5
3.Sa murang edad, anong edad ang mas maraming nabubuntis?
a.12 b.13 c.14 d.15 e.16 f.17 g.18
4.Bakit ang mga kabataan sa edad na labing dalawa pataas?
a. dahil sa hirap ng buhay
b. dahil sa dami ng problema
c. dahil sa kakulangan ng gabay at pangaral ng magulang
d. dahil sa pagboboyfriend ng maaga
5. Ano ang magiging epekto ng maagang pagbubuntis?
a. magkakaroon ng responsibidad sa iyong dinadala
b. mawawalan ng pagmamahal sa sarili dahil sa nangyayaring pagbubuntis
c. masisira ang kinabukasan
d. at iba pa
6. Bakit ipinagbabawal ang pagbubuntis sa morang edad?
a. dahil sa edad nila hindi pa nila kaya ang magkaroon ng pamilya
b. walang kasiguraduhan na may magandang buhay ang kanyang magiging anak
c. at iba pa
7. Nagkulang ba ng payo o pangaral ang magulang mo kaya mo ginawa ang pagbuuntis ng maaga?
a. Oo,dahil wala naman silang pakialam sa akin
b. Hindi,dahil ginusto ko ito
8. Titigil ka ba sa pangarap mo na makapagtapos ng pag-aaral ngayong nabuntis kana sa morang edad?
a. Oo,dahil magiging kahiya-hiya ito
b.Hindi,dahil kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para sa aking pangarap
9. Ginusto mo ba na magpabuntis ng maaga?
a.Oo,dahil gusto kong maranasan ang mabuntis ang mabuntis ng maaga at maging isang Ina
b.Hindi,dahil gusto ko munang matulongan ang magulang ko,ngunit dahil sa kalandian kaya nagawa ko ito
10. Sino ang mas na dapat mag bigay ng payo para maiwasan ang pagbubuntis ng maaga?
a. kaibigan na lalaki/babae
b. mga magulang
c. boyfriend
Lunes, Pebrero 20, 2017
Opm Song
www.metrolyrics.com/hawak-kamay-lyrics-yeng-constantino.html
"Hawak Kamay"
by: Yeng Constantino
-Gusto ko ang kantang to dahil ito ay para sa magkaibigan na may pangarap
sa buhay na kahit anumang landas ang kanilang matahak ay hindi sila bibitaw.
Sila'y magkahawak ng kamay sa mundong kanilang tatahakin ano man ang
mangyari silay magtutulongan.Dahil minsan dumadating sa atin ang maraming
promblema at minsan masasabi nalang natin sa sarili natin na di na natin kaya pero sa
bandang huli tayoy lumalaban para malagpasan ang mga ito .
-Sinabi din sa kanta na wag mong isipin na nag-iisa ka ,tumingin ka lang
sa langit at nandiyan ang ating panginoon,nandiyan ang kaibigan mo na
hahawak sa iyong kamay at dalawa kayong maglalakbay sa mundong ito.at lagi
mong iisipin na may karamay ka,hindi ka nag-iisa .
Linggo, Pebrero 12, 2017
Mga salitang Filipino na hindi karaniwang ginagamit
1.Kalog na ang baba- nilalamig
Hal. Si May ay kalog na ang baba dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan
2.Bahag ang buntot - duwag
Hal.Bahag ang kanyang buntot na dumaan dahil sa malaking aso
3.Ikuros sa noo -tandaan
Hal.Ikuros sa noo na ang buhay ay dapat nating mahalin at alagaan.
4.Kapilas ng buhay- asawa
hal.ang kanyang kapilas sa buhay ay masipag
5.Nagbibilang ng poste- walang trabaho
hal.Nagbibilang ng poste ang kanyang kuya dahil di siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral
6.Taingang kawali- nagbibingi-bingihan
Hal.Si tang ay taingang kawali ng pinagsasabihan siya ng pangaral ng kanyang magulang.
7.Alimuom- tsismis
Hal.Ang alimuom na iyon ay hindi totoo
8.Bukas ang palad- matulungin
Hal.Ang batang iyan ay bukas ang palad
9.Buwayang lubog- taksil sa kapwa
hal.Isa siyang buwayang loob
10.Butas ang palad- walang pera
hal.Maraming mamamayan ang butas ang palad ngayon dahil sa crisis na dumating
Martes, Enero 17, 2017
"Bakit may mga Kabataang naliligaw pa rin ng Landas"
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga Kabataan ang
naliligaw ng landas?Maaaring kasalanan nila at maaari ding hindi. Bakit nga
ba sila naliligaw ?
Sabi nga sa kasabihan ng ating Mahal na Bayani na si Dr. Jose
P. Rizal "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan"Kabataan nga ba ? Yun nga ba
talaga nangyayari sa ating lipunan ngayon ? Na ang Kabataan ang pag-asa ! Sa
tingin ko hindi , bakit ? Kailangan pa bang tanungin ? Alam ko naman na alam mo
na maraming Kabataan ngayon ang nasa liko at maling landas, sinisira nila ang kanilang
buhay , sa mali at masamang bisyo .Nagda-drugs, umiinom ng alak, naninigarilyo at
marami pa na ginagawa nila na alam naman nilang mali ito .
Isa rin sa mga dahilan kung bakit sila naliligaw ng landas,dahil kasalanan din minsan ng mga magulang kulang ng gabay,pangaral,at pagmamahal
na kailangan nila.Minsan kung sino pa ang nakakatanda sila pa ang tumutulak papunta
sa likong landas.
Kailan matutupad ang kasabihan ni Dr. Jose P. Rizal na
"Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan" hanggat hindi ako , ikaw , tayo dumadaan
sa tuwid na landas at hindi ginagawa ang makakabuti sa ating Buhay.Sabi pa nga ni
Ex President Benigno Aquino dumaan sa tuwid na landas tungo sa ikakatuwid ng
ating Buhay .
"High School Life "
Limang araw sa isang linggo nasa paaralan
Pumapasok,Nag-aaral para sa kinabukasan
Pangarap na nais matupad
Kahit saan mapadpad
Dito mo mararanasan ang umibig
Ang umiyak at magpahalaga
Dito mo makikita ang tunay na kaibigan
Ang maging masaya kasama sila
Inspirasyon ang magulang
Sa hirap at ginhawa
Naging gabay at nais matulongan
Laging nandiyan,gumagabay sakin
O,aking kaibigan salamat sa inyo
Dahil sa inyo naranasan ko ito
Mga pangarap na makakamit ko
Salamat,at ito'y inaalay ko sa inyo
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)