Martes, Enero 17, 2017
"Bakit may mga Kabataang naliligaw pa rin ng Landas"
Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga Kabataan ang
naliligaw ng landas?Maaaring kasalanan nila at maaari ding hindi. Bakit nga
ba sila naliligaw ?
Sabi nga sa kasabihan ng ating Mahal na Bayani na si Dr. Jose
P. Rizal "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan"Kabataan nga ba ? Yun nga ba
talaga nangyayari sa ating lipunan ngayon ? Na ang Kabataan ang pag-asa ! Sa
tingin ko hindi , bakit ? Kailangan pa bang tanungin ? Alam ko naman na alam mo
na maraming Kabataan ngayon ang nasa liko at maling landas, sinisira nila ang kanilang
buhay , sa mali at masamang bisyo .Nagda-drugs, umiinom ng alak, naninigarilyo at
marami pa na ginagawa nila na alam naman nilang mali ito .
Isa rin sa mga dahilan kung bakit sila naliligaw ng landas,dahil kasalanan din minsan ng mga magulang kulang ng gabay,pangaral,at pagmamahal
na kailangan nila.Minsan kung sino pa ang nakakatanda sila pa ang tumutulak papunta
sa likong landas.
Kailan matutupad ang kasabihan ni Dr. Jose P. Rizal na
"Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan" hanggat hindi ako , ikaw , tayo dumadaan
sa tuwid na landas at hindi ginagawa ang makakabuti sa ating Buhay.Sabi pa nga ni
Ex President Benigno Aquino dumaan sa tuwid na landas tungo sa ikakatuwid ng
ating Buhay .
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento