Martes, Enero 17, 2017

"Bakit may mga Kabataang naliligaw pa rin ng Landas"



                         


                                         Ano nga ba ang dahilan kung bakit may mga Kabataan ang
              naliligaw ng landas?Maaaring kasalanan nila at maaari ding hindi. Bakit nga
              ba sila naliligaw ?

                                            Sabi nga sa kasabihan ng ating Mahal na Bayani na si Dr. Jose 
            P. Rizal "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan"Kabataan nga ba ? Yun nga ba 
            talaga nangyayari sa ating lipunan ngayon ? Na ang Kabataan ang pag-asa ! Sa 
           tingin ko hindi , bakit ? Kailangan pa bang tanungin ? Alam ko naman na alam mo
           na maraming Kabataan ngayon ang nasa liko at maling landas, sinisira nila ang kanilang
           buhay , sa mali at masamang bisyo .Nagda-drugs, umiinom ng alak, naninigarilyo at
           marami pa na ginagawa nila na alam naman nilang mali ito .
                                          Isa rin sa mga dahilan kung bakit sila naliligaw ng landas,dahil                              kasalanan din minsan ng mga magulang kulang ng gabay,pangaral,at pagmamahal
           na kailangan nila.Minsan kung sino pa ang nakakatanda sila pa ang tumutulak papunta
           sa likong landas.

                                      Kailan matutupad ang kasabihan ni Dr. Jose P. Rizal na
           "Ang Kabataan ang pag-asa ng Bayan" hanggat hindi ako , ikaw , tayo dumadaan
          sa tuwid na landas at hindi ginagawa ang makakabuti sa ating Buhay.Sabi pa nga ni
          Ex President Benigno Aquino dumaan sa tuwid na landas tungo sa ikakatuwid ng 
          ating Buhay .








                                                "High School Life "


                   Limang araw sa isang linggo nasa paaralan
                   Pumapasok,Nag-aaral para sa kinabukasan
                   Pangarap na nais matupad 
                   Kahit saan mapadpad

                 
                   Dito mo mararanasan ang umibig
                   Ang umiyak at magpahalaga
                  Dito mo makikita ang tunay na kaibigan 
                  Ang maging masaya kasama sila


                  Inspirasyon ang magulang 
                  Sa hirap at ginhawa 
                  Naging gabay at nais matulongan
                  Laging nandiyan,gumagabay sakin 


                 O,aking kaibigan salamat sa inyo
                 Dahil sa inyo naranasan ko ito
                 Mga pangarap na makakamit ko
                 Salamat,at ito'y inaalay ko sa inyo

Miyerkules, Enero 11, 2017

Tips para hindi Malulong sa Masamang Bisyo





                                     Hi Christy here ,Nais kong ipaalam sa inyo na wala akong Bisyo, Dahil alam kong makakasama ito sakin Ikaw alam mo ba? Maraming mga tao ngayon ang nalu-
long sa masamang Bisyo lalong-lalo na ang maraming mga Kabataan na nasira ang buhay dahil 
sa maramimg Bisyo.Kaya gusto kong ibahagi sa inyo ang mga Tips para hindi ka Malulong sa
Masamamg Bisyo,Ito ang mga sumusunod :


1.Iwasan mo ang makihalo-bilo sa mga tao na may Bisyo,Piliin mo ang Barkada o Kaibigan 
mo na Matino at Maayos .

2.Ang lagi-lagi gawin mong minsan na lang o hindi na ,ang Manigarilyo,Uminom ng Alak ,mag-
Drugs at marami pang iba .

3.Libangin ang sarili mo sa mga bagayna alam mong makakatulong sayo at ikakaganda ng buhay 
mo.

4.Magbagong buhay ka kung Adik ka ngayon mag-bago kana ,Di pa naman huli ang lahat ,May
pagkakataon ka pa .

5.Maging Maka-Diyos Isa-Puso mo ang mga aral ng ating Diyos at sundin mo ito na Bukal sa 
iyong puso .


     
                   Kung mabuti ka,Mabuti yan ipagpatuloy mo .Kung nalulong kana di pa huli ang lahat na
 iwasan ang mga gawain na ikakalulong mo sa masama nandiyan ang ating Panginoon na
 tutulong sa iyo na magbago ,Pero kailangan mo ding tulungan ang Sarili mo lang ang tunay
 mo na Kaibigan .